San Sebastian Cathedral - Lipa, Batangas

Archdiocese of Lipa

Welcome to 105.7 CLCTV Radio website. We are the official Social Media station that takes you inside the San Sebastian Cathedral in Lipa City, Batangas.  Created for the San Sebastian Parish last October 2012 and the CLCTV System went online and started Net-casting on the web 24/7 worldwide last December 8, 2012.

CLCTV Radio netcast equipment's are operated by CLCTV System with Jun Monastrial, Jay Jay Africa, Teofie Dalangin, Christel Dy, Jen Magtibay, Precious Pesa and PYM-Youth Multimedia Operatives under the supervision Rev. Father Cecil Arce, the parish priest.


We our Internet TV at http://cathedrallipacity.webs.com, Community Radio at 105.7FM in Lipa City only, and Facebook Live at http://facebook.com/clctv.

Cathedral News!


The Parish of San Sebastian congratulates the recipients of the 2017 Gawad ng Pagkilala Awards:
    MR. MAXIMO & MRS. CORAZON MENDOZA
    MR. EDGARDO K. TESICO
    MS. TERESITA LIBREA AFRICA
    MS. AMELIA ATIENZA CORNEJO
    MS. SUSAN GONZALES BRAVO
    MS. SONIA SALES MALDONADO
Given 29 September 2017 at San Sebastian Cathedral during the celebration of the National Week of the Laity.

Relikya ni San Sebastian Dumating sa Lipa sa Kanyang
Kapistahan

LIPA CITY - Dumating sa Katedral ng Lipa ang First Class Relic ni San Sebastian na siyang patron ng parokya, noong ika-19 ng Enero. Nagkaroon ng prusisyon ng relikya at mga imahen ni San Sebastian bilang sundalo at nakahimlay mula sa NL Villa Memorial Medical Center patungong Katedral kung saan nagkaroon ng ritu ng pagtanggap. Patuloy ang pag-awit ng Dalit kay San Sebastian sa kasagsagan ng prusisyon.

Sa pagtanggap ng relikya ay nagkaroon ng paglilipat ng Certificate of Authencity na ang

relikya ay tunay na buto ni San Sebastian mula kay Rdo. Pd. Dennis Duene Ruiz, OAD ng Chapel of the Holy Relics sa Brgy. San Jose, Lungsod ng Cebu kay Rdo. Pd. Cecilio Arce, Kura Paroko at Rektor ng Katedral. Isinunod ang pagnonobena sa ika-9 na araw, ang Pagdiriwang ng Banal na Misa at ang pagpapahalik.


Sa araw ng kapistahan ay dinagsa ang katedral ng mga deboto, mga bisita at mga mananampalataya ng parokya sa bawat Misa. Ang namuno naman sa Misa konselebrada noong ika-9:30 ng umaga ay ang Kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales, DD, Arsobispo Emerito ng Maynila. Nabanggit niya sa homiliya ang mga karanasan ng mga Lipeño mula pa noong nabuo ang Lungsod hanggang sa kasalukuyang panahon at ang paggabay ni San Sebastian sa mga Lipeño. Dagdag pa ni Cardinal Rosales, may nais ituro ang Diyos sa mga taga-Lipa at sa mga Batangueño, base sa mga karanasan noong mga nagdaang mga siglo, na pinasasagana ng Diyos ang Lipa sa pamamagitan ng pagtitiis. At ang naranasang mga pagdurusa ng mga Lipeño ay hinayaan upang maipabatid ang pagiging sapat ng Diyos sa kanilang buhay. Naganap naman noong hapon ang engrandeng prusisyon ng mga patron ng bawat Barangay na nasasakupan ng Parokya, ng mga imahen ni San Sebastian at ng relikya ng Mahal na Patron sa Poblacion ng Lipa. Sa pagtatapos ng Kapistahan ay nagpamalas ng isang grand fireworks display sagisag ng pagpapasalamat sa nagdaang taon.


Si San Sebastian ay patron ng mga atleta, mamamana, doktor, tanod at mabisang tanggulan sa mga salot at sakuna. Nagsilbi siya bilang kapitan ng praetorian guards ng Roma upang tulungan na huwag manlamig sa pananampalataya ang mga Kristyanong nakapiit at bibitayin nang dahil sa pananampalataya. Madalas mailarawan si San Sebastian na nakagapos at tadtad ng pana, ngunit, hindi ito ang kanyang ikinamatay. Taong 286 nang siya ay mamatay sa pagkabugbog. -Ken Cosa

Internet TV Program Schedules:

HOLY MASS
Monday to Friday
5 a.m | 7 a.m. | 8 a.m. and 5:15 p.m. 


Saturday

5 a.m | 7 a.m. | 8 a.m. and 5:00 p.m. 


Sunday

5 a.m | 7 a.m. | 8:15 a.m. | 9:10 a.m. 

3:30 p.m. | 5 p.m. | 6 p.m. | 7 p.m. (English mass)

---------------------------------------------------------------------------
Special Programming of 105.7 CLCTV RadioFM
---------------------------------------------------------------------------
Pagdarasal ng Banal na Rosaryo (Internet TV only)
Monday to Sunday 9 p.m.

Weekend Night Music Trip (Online & OnAir)
Friday & Saturday - 10:00 P.M. to 5:00 A.M.
DJ Diego

Saturday Sound Trip
Lunch Time Edition - 11:00 AM to 1:00 PM
 DJ Diego
Afternoon Edition - 1:00 PM to3:00 PM
DJ Choco & DJ Ice
Evening Edition - 6:00 PM to 8:00 PM
DJ Chubbs & DJ MC

Tinig ng Kabataan ni San Sebastian
Sunday 11:00 AM to 12:00  NN
Host : Kuya Matt, DJ Missy, Ate Ehla & Ate Bevs

Musika at Awit sa San Sebastian Cathedral
Sunday 12:00 nn to 1:00 p.m.
Host : Ate Ems & Company


Sunday Pinoy Best
1:00 PM to 3:00 PM
Host : DJ Sunny & DJ Valerie

The Apostleship of Prayers is invitng youth ages 18 onwards to be their member. Kindly get in touch with Lester Cuenca at 0947-481-8093 for details.


The Sisters of Mary Boystown and Girlstown Schools in Cavite will be conducting scholarship exemination for grade 6 pupils coming the poorest family. The examination will take place here at San Sebastian Cathedral on November 9, 2017 at 8:00 onwards.


Ang opisyal lathalain ng San Sebastian Cathedral.

4th World Apostolic Congress on Mercy,
isinagawa sa Arsidyosesis ng Lipa

Isinagawa ang ikatlong araw ng 4th World Apostolic Congress of Mercy o WACOM noong ika-labing walo ng Enero sa taong kasalukuyan sa National Shrine of Padre Pio, Batangas.

Ang Arsidyosesis ng Lipa ang isa sa mga napiling host ng WACOM4 kaalinsabay ang iba pang arsidyosesis sa buong bansa gaya ng Arsidyosesis

ng Maynila, Diyosesis ng Malolos (Bulacan) at Diyosesis ng Balanga (Bataan). Mahigit-kumulang anim na libong katao ang dumalo at nakiisa sapagdiriwang. Nagbigay ng inspirational talk sa

ikatlong araw sina Most Rev. Teodoro Bacani, D.D., Bishop Emeritus of Diocese of Novaliches, na may temang "Remembering and Celebrating the Mercy of God as a Forgiven and Forgiving Community". Sinundan naman ito ng testimonya

mula sa Obispo ng Diyosesis ng Boac, Most Rev. Marcelino Antonio Maralit,

D.D. kasama si Msgr. Josefino Ramirez. Naghandog naman ng cultural presentation ang Sining Kumintang ng Batangas suot ang makukulay nilang kasuotan nakumakatawan sa iba’t ibang kultura at sayaw ng mga Pilipino. Sinundan ito ng Ecumenical Prayer na pinangunahan ni Rev. Fr. Nepumoceno Fruto at sinundan ng Exposition of the Blessed Sacrament na pinangunahan naman ng Obispo ng Diyosesis ng Imus, Most Rev. Reynaldo Evangelista, D.D.

Bago matapos ang pagdiriwang ng ikatlong araw ng WACOM4 sa Ardiyosesis ng Lipa ay nag-alay ng misa na pinamunuan ng Archbishop Emeritus ng Maynila na si H.E. Gaudencio Cardinal Rosales, D.D. at ang nag bigay naman ng homiliya ang Arsobispo ng Lipa, Most Rev. Ramon C. Arguelles. Pagka-alay ng misa sinundan ito ng isang stage play na pinamagatang, "Life of Padre Pio - Precios Pesa

Last 27th of May 2016,the people of Lipa rejoices on the arrival and enshrinement of the replica of Maria Santisima dela Esperanza Macarena (Our Lady of Hope of Macarena).
This image of Our Lady of Sorrows is highly revered in Spain, and in some parts of the Philippines, especially during Holy Week.
---

Ilan sa mga kabilang sa editorial board at tagapagsulat ay pumapasok pa sa kolehiyo o di kaya ay nagtatrabaho ngunit nabibigyang panahon pa din ang pahayagan. 

(Read more on Palasito...)

---

Contact us...

San Sebastian Cathedral Site. 
C.M. Recto Ave.
4217 Lipa City, Batangas Philippines

C.M. Recto Ave. 4217 Lipa City, Batangas Philippines

105.7 CLCTV Radio Staff & Officers

Father Cecilio Arce
Over - all - Director

Christel Joy Dy
Deputy Director

Victorino "Jun" Monastrial, Jr

Technical Officer


Jay Jay Africa

Assistant Technical Officer


Jen Magtibay

Layout Artist | Multimedia Supervisor

Steven

CLCTV Coordinator / Representative PPC


Teofie Dalangin Jr

IT & System Engineer

In cooperation of PYM-Youth Multimedia Operatives 

San Sebastian Parish Pastoral Council Officers

Eric Magubat Reyes 
PRESIDENT 
Norjie Custodio Hidalgo 
VICE-PRESIDENT
Rose Dimailig Perce
SECRETARY 
 Lynne Sales-Cabalo
TREASURER 
Cathedral Lipa City internet TV was made possible by Msgr. Rafael "Boy" Oriondo now assigned as new Parish Priest of Most Holy Trinity Parish in Batangas City.

Prayer Request Wall

Name : Carla Jean Derez
Location : San Pedro Malvar

Tulungan po ninyo akong ipagdasal ang aswa ko, Maging matatag sa lahat ng problemang pinagsadaanan namin.matigil ang bisyo at matutong pahalagahan ang pamilya bago ang barkada. Maraming salamat po.AMEN
---
Name : Rommel B. Garcia
Location : Lipa City

Maraming salamat po sa di mabilang na mga biyaya na patuloy na tinatamasa ng aking pamilya, maging ito man ay biyayang ispirituwal, financial o material. Nagpapasalamat din po ako dahil naging posible ang pagsubaybay ko sa mga Misa ng Cathedral sa kabila ng pagiging abala sa paghahanapbuhay. Humihingi po ako ng kapatawaran sa aking mga kahinaan bilang isang tao, lalo na po sa di ko paggampan sa paglilingkod bilang isang choir member ng SCA. Sa ngayon po, hinihiling ko po na matanggap ako sa trabaho sa Makati bilang isang Talent Acquisition Officer sa Global Staffer Group nang sa gayon ay makabalik ako sa pagseserve tuwing Linggo. Nawa po'y makamit ko po ito sa inyong patnubay. Amen.
---
Name : Roselle Anne M. Macaraig
Location : Lipa CIty

Panginoon, salamat po sa pagabay Niyo sa amin araw araw. Salamat po sa biyaya at pagmamahal. Ang tanging hiling ko ay gabayan Niyo ang aking pamilya. Sana ay huwag Nyo kaming pabayaan. Mahal na mahal ko po Kayo. Amen.
---
Name : Venus Abel
Location : Sampaguita Homes, Lipa City

Mapagpalang araw sa inyong lahat. Nais ko pong hilingin na isama sa inyong panalangin ang kaluluwa ng aking ama na si Vivencio Rodriguez Remigio Jr. Nawa'y marating niya ang maluwalhating kaharian ng ating Diyos Ama. Amen

Send your prayer request here

Your prayer request has been send! Thank you very much.
Oops. An error occurred.
Click here to try again.
Name : Anloth Magsino
Location : Netanya, Israel

panginoon marami pong salamat sa di mabilang n biyayang ipinagkkaloob nio,, sana po gabayan nio mga plano ko pra sa mga anak ko maibigay ko s knila,,lage pong dasal ko lage n sana laging ligtas sa pagpasok sa trbho ana ank kung llaki,, higit po sa lahat sana po apo ko mkapgsalita na cia habang ngteterapy,, sana po bunso ko,,sa darating n board exam mkpasa cia,,,lage pong ligtas mga anak ko,, ang inay at tatay ko sana lgeng mlkas ang ktwan at phabain po pa nio buhay nila,,gabayan din po nio panganay ko sa knyang plano sa buhay,, gabayan din po nio ako sa araw araw ko dto sa israel,, pra po sa mga anak ko at apo,, maraming mrami pong salamat,,,,

Mga Panalangin

Panalangin ng Batangueño

Ama naming Mapagmahal
tinawag po Ninyo kami kay Jesu-Kristo
upang maging mga sambayanan
ng mga taong may kaganapan
ng buhay sa sanlibutan,
sumasaksi sa Inyong Paghahari
sa pagsasabuhay ng Misteryo Paskuwal,
sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Puspusin po Ninyo ng Inyong Banal na Espiritu
ang aming buong Arsidiyosesis
Sa pangunguna ng aming mga Obispo,
kaparian, mga madre at mga laykong
bumubuo ng aming mga parokya at lalawigan
upang makatugon sa Inyong banal na kalooban
at sa aming ipinahayag
na mga pangangailangan.
Panalangin kay San Miguel Arkangel
San Miguel Arkanghel, ampunin mo kami sa labanan
at maging bantay ka nawa namin sa kalupitan
at sa mga silo ng demonyo
Sugpuin nawa siya ng Diyos
na ipinag-mamakaamo namin sa iyo;
at ikaw, Prinsipe ng mga hukbo sa langit
sa kapangyarihan ng Diyos
Ay ibulid mo sa kailaliman
ng impyerno si Satanas
at ang lahat ng malulupit na espiritu
na gumagala sa sanlibutan
at nagpapa-hamak sa mga kaluluwa.
AMEN
(for English, click here)

Click play button for the audio production. Click here to download.
-0:56

External Links

Visitor's Counter