San Sebastian Cathedral  Lipa, Batangas 

Archdiocese of Lipa

Welcome to 105.7 CLCTV Radio website. The official Interactive Social Media station that takes you  San Sebastian Cathedral in Lipa City, Batangas from Archdiocese of Lipa.

It was developed last October 2012 during the service time as parish priest of Msgr. Boy Oriondo. And started to stream worldwide on December 8, 2012.

This system are operated by San Sebastian Cathedral Support and Technical team with Victorino Monastrial, Jay Jay Africa, Teofilo Dalangin Jr, Noriel Lescano and multimedia liturgical team Youth Multimedia Officers headed by Christel Joy Dy. And supervised of Rev. Father Jessie Pentinio, Youth Priest-in-charge and Rev. Father Cecil M. Arce, Parish Priest of San Sebastian Cathedral.

Cathedral News!

Relikya ni San Sebastian Dumating sa Lipa sa Kanyang
Kapistahan

LIPA CITY - Dumating sa Katedral ng Lipa ang First Class Relic ni San Sebastian na siyang patron ng parokya, noong ika-19 ng Enero. Nagkaroon ng prusisyon ng relikya at mga imahen ni San Sebastian bilang sundalo at nakahimlay mula sa NL Villa Memorial Medical Center patungong Katedral kung saan nagkaroon ng ritu ng pagtanggap. Patuloy ang pag-awit ng Dalit kay San Sebastian sa kasagsagan ng prusisyon.

Sa pagtanggap ng relikya ay nagkaroon ng paglilipat ng Certificate of Authencity na ang

relikya ay tunay na buto ni San Sebastian mula kay Rdo. Pd. Dennis Duene Ruiz, OAD ng Chapel of the Holy Relics sa Brgy. San Jose, Lungsod ng Cebu kay Rdo. Pd. Cecilio Arce, Kura Paroko at Rektor ng Katedral. Isinunod ang pagnonobena sa ika-9 na araw, ang Pagdiriwang ng Banal na Misa at ang pagpapahalik.


Sa araw ng kapistahan ay dinagsa ang katedral ng mga deboto, mga bisita at mga mananampalataya ng parokya sa bawat Misa. Ang namuno naman sa Misa konselebrada noong ika-9:30 ng umaga ay ang Kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales, DD, Arsobispo Emerito ng Maynila. Nabanggit niya sa homiliya ang mga karanasan ng mga Lipeño mula pa noong nabuo ang Lungsod hanggang sa kasalukuyang panahon at ang paggabay ni San Sebastian sa mga Lipeño. Dagdag pa ni Cardinal Rosales, may nais ituro ang Diyos sa mga taga-Lipa at sa mga Batangueño, base sa mga karanasan noong mga nagdaang mga siglo, na pinasasagana ng Diyos ang Lipa sa pamamagitan ng pagtitiis. At ang naranasang mga pagdurusa ng mga Lipeño ay hinayaan upang maipabatid ang pagiging sapat ng Diyos sa kanilang buhay. Naganap naman noong hapon ang engrandeng prusisyon ng mga patron ng bawat Barangay na nasasakupan ng Parokya, ng mga imahen ni San Sebastian at ng relikya ng Mahal na Patron sa Poblacion ng Lipa. Sa pagtatapos ng Kapistahan ay nagpamalas ng isang grand fireworks display sagisag ng pagpapasalamat sa nagdaang taon.


Si San Sebastian ay patron ng mga atleta, mamamana, doktor, tanod at mabisang tanggulan sa mga salot at sakuna. Nagsilbi siya bilang kapitan ng praetorian guards ng Roma upang tulungan na huwag manlamig sa pananampalataya ang mga Kristyanong nakapiit at bibitayin nang dahil sa pananampalataya. Madalas mailarawan si San Sebastian na nakagapos at tadtad ng pana, ngunit, hindi ito ang kanyang ikinamatay. Taong 286 nang siya ay mamatay sa pagkabugbog. -Ken Cosa

Live Coverage Schedules:

Live schedule are also the Mass schedule in San Sebastian Parish.

HOLY MASS
Monday to Friday - 5 a.m | 7 a.m. | 8 a.m. and 5:15 p.m. 


Saturday - 5 a.m | 7 a.m. | 8 a.m. and 5:00 p.m. 


Sunday - 5 a.m | 7 a.m. | 8:15 a.m. | 9:10 a.m. 

3:30 p.m. | 5 p.m. 6 p.m.
7 p.m. (English mass)
---------------------------------------------------------------------------
Addtional Programming of 105.7 CLCTV Radio
---------------------------------------------------------------------------

Pagdarasal ng Banal na Rosaryo
Weekdays - 9:00 a.m. | 12:00 n.n. | 3:00 p.m. 
Starting October 1, 2018.

Saturday Sound Trip - Music Programming
Lunch Time Edition
11:00 a.m.  to 1:00 p.m. - DJ MC
Afternoon Edition
1:00 p.m. to3:00 p.m. - DJ Ice & DJ Kiko
Afternoon Extended Edition
3:00 p.m. to 5:00 p.m. -DJ Diego

Usapang Kathedral - Talk Show
Sunday 11:30 AM to 12:00  NN
Host : Sister Marie

Receive SMS with latest update from Lipa Cathedral for FREE. Click to register!

Prayer Request Wall

Name : Carla Jean Derez
Location : San Pedro Malvar

Tulungan po ninyo akong ipagdasal ang aswa ko, Maging matatag sa lahat ng problemang pinagsadaanan namin.matigil ang bisyo at matutong pahalagahan ang pamilya bago ang barkada. Maraming salamat po.AMEN
---
Name : Rommel B. Garcia
Location : Lipa City

Maraming salamat po sa di mabilang na mga biyaya na patuloy na tinatamasa ng aking pamilya, maging ito man ay biyayang ispirituwal, financial o material. Nagpapasalamat din po ako dahil naging posible ang pagsubaybay ko sa mga Misa ng Cathedral sa kabila ng pagiging abala sa paghahanapbuhay. Humihingi po ako ng kapatawaran sa aking mga kahinaan bilang isang tao, lalo na po sa di ko paggampan sa paglilingkod bilang isang choir member ng SCA. Sa ngayon po, hinihiling ko po na matanggap ako sa trabaho sa Makati bilang isang Talent Acquisition Officer sa Global Staffer Group nang sa gayon ay makabalik ako sa pagseserve tuwing Linggo. Nawa po'y makamit ko po ito sa inyong patnubay. Amen.
---
Name : Roselle Anne M. Macaraig
Location : Lipa CIty

Panginoon, salamat po sa pagabay Niyo sa amin araw araw. Salamat po sa biyaya at pagmamahal. Ang tanging hiling ko ay gabayan Niyo ang aking pamilya. Sana ay huwag Nyo kaming pabayaan. Mahal na mahal ko po Kayo. Amen.
---
Name : Venus Abel
Location : Sampaguita Homes, Lipa City

Mapagpalang araw sa inyong lahat. Nais ko pong hilingin na isama sa inyong panalangin ang kaluluwa ng aking ama na si Vivencio Rodriguez Remigio Jr. Nawa'y marating niya ang maluwalhating kaharian ng ating Diyos Ama. Amen

Live Coverage Staff & Officers

Rev Father Cecilo M. Arce - Director

Father Jessie Pentinio - Assistant Director

Christel Joy Dy - Deputy Director
Precious Pesa - Deputy Associate

Jen Magtibay - Layout Artist | Multimedia Supervisor

Steven Cabalo  - Representative PPC


Victorino  Monastrial, Jr - Technical Officer

Jay Jay Africa - Assistant Technical Officer


Teofilo Dalangin Jr - IT Officer

Noriel Lescano - IT Associate Officer

San Sebastian Parish Pastoral Council Officers

Eric Magubat Reyes - PRESIDENT 
Norjie Custodio Hidalgo  - VICE-PRESIDENT
Rose Dimailig Perce- SECRETARY 
 Lynne Sales-Cabalo - TREASURER 
Name : Anloth Magsino
Location : Netanya, Israel

panginoon marami pong salamat sa di mabilang n biyayang ipinagkkaloob nio,, sana po gabayan nio mga plano ko pra sa mga anak ko maibigay ko s knila,,lage pong dasal ko lage n sana laging ligtas sa pagpasok sa trbho ana ank kung llaki,, higit po sa lahat sana po apo ko mkapgsalita na cia habang ngteterapy,, sana po bunso ko,,sa darating n board exam mkpasa cia,,,lage pong ligtas mga anak ko,, ang inay at tatay ko sana lgeng mlkas ang ktwan at phabain po pa nio buhay nila,,gabayan din po nio panganay ko sa knyang plano sa buhay,, gabayan din po nio ako sa araw araw ko dto sa israel,, pra po sa mga anak ko at apo,, maraming mrami pong salamat,,,,

Send your prayer request here

Your prayer request has been send! Thank you very much.
Oops. An error occurred.
Click here to try again.

External Links

Visitor's Counter